Mga Alamat ng Pilipinas by Katig.Com
Philippine Legends or Folklore


Ano ang alamat?
Bakit nagiging kapani-paniwala ang mga alamat?
Ano ang kahalagahan ng alamat?
Bakit may iba't-ibang bersiyon ang isang alamat?
Bakit hinayaan ng mga Kastila na lumaganap ang alamat ni Bernardo Carpio?


Ang alamat ay kuwento na kathang isip lamang na kinasasangkutan ng
kababalaghan o 'di pagkaraniwang pangyayari na naganap nuong unang panahon.

Ang alamat ay karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Eto ay tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng
pagiging matapat, matapang, matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda
tulad ng pagiging mapaghiganti, masakim, o mapanumpa, Nguni’t sa banding huli
ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.

Sapagkat ang alamat ay karaniwang nagsimula nuong unang panahon at eto ay
nagpasalin- salin na sa maraming henerasyon, ang alamat ay pinaniniwalaan ng
maraming tao na tutoong naganap dahil sa tagal ng pamamayani nito sa ating
panitikan o sa ating kultura.

Ang mga alamat ay nagkakaroon ng iba’t-ibang bersiyon ayon na rin sa hangarin ng
sumulat o nagpalaganap ng ibang bersiyon ng alamat. Eto ay maaaring sa hangarin
na isanobela, isadula o isa-pelikula ang isang alamat.

Halimbawa ang isang bersiyon ng alamat ni Bernardo Carpio ay sinasabing sadyang
pinalaganap ng mga Kastila upang mapigilan ang namumuong himaksikan ng mga
Pilipino laban sa mga mananakop.

Ibang bersiyon naman ang pinalalaganap ng ibang mga magulang sa hangaring ang
kanilang mga anak ay huwag matakot kapag lumilindol sapagkat eto ay likha lamang
ni Bernardo tuwing nagtatangkang kumawala sa nag-uumpugang bato.

Bagama’t maraming bersiyon ang alamat, ang mga eto ay nagkakaisa sa
paglalarawan kay Bernardo na isang matipuno at makisig na lalaki. Ang pagkakaiba
ng iba't-ibang bersiyon ay ang pagtalakay kung bakit, papaano, at sino ang naging
sanhi ng kanyang pagkaipit sa nag-uumpugang mga bato.


Other Philippine Legends or Folklore:
Alamat ni Bernardo Carpio (The Legend of Bernardo Carpio)
Ang Alamat ng Pinya (The Origin of Pineapple)
KATIG.COM




Sections

Anecdotes
Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Idioms
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather



Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us