Mga Halimbawa ng Bugtong  by Katig.Com
What is bugtong at bugtungan?

What makes bugtungan different from other Pilipino palaisipan?

Why is bugtong important?

To know more about bugtong and bugtungan,
click here.



Sagutin ang mga sumusunod na bugtong:


1. Kung kelan pinatay, saka humaba ang buhay.

2. Baboy ko sa pulo, balahibo'y pako

3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.

4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.

5. Ako'y may kaibigan, kasama ko kahit saan.

6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.

7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.

8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.

9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.

10. Abot na ng kamay, ipinaggawa pa sa tulay.

11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.

12. Maliit pa si kumare, malakas na kung humuni.

13. Baka sa palupandan, ang unga ay nakakarating kahit saan.

14. May bintana, walang bubungan may pinto, walang hagdanan.

15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.  

16. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.

17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.

18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.

19. Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita.

20. Sa isang kalabit, may buhay na kapalit.

21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.

22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.  

23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.

24. Buto't balat na malapad, kay galing kung lumipad.

25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.

26. Nagbibigay na, sinasakal pa.

27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga

28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.

29. Yumuko man ang reyna, di malaglag ang korona

30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukha'y nakaharap pa


Go to:

Mga bugtong at bugtungan
Sagot sa mga bugtong










Mga pagpipilian ng
sagot sa bugtong

ampalaya

anino

balimbing

ballpen/pluma

banig

baril

basket/bayong

batingaw/kampana

batya

bayabas

bote

gamu-gamo

gumamela

ilaw

kamiseta

kandila

kasoy

kubyertos

kulambo

kulog

kuliglig

kumpisalan

langka

mata

palaka

paruparo

posporo

sandok

saranggola

siper

tenga
KATIG.COM




Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather




Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes



Email Us