Pinoy Jokes, Filipino Dyoks at Mga Patawa Mga nakatutuwang kapalpakan nina Rap at Rex
Lumindol ng malakas sa Metro Manila. Nahintakutan si Rex. Rex - (Sumisigaw) Katapusan na...! Katapusan na...! Rap - Hoy, a kinse pa lang!
Doc - O, bat nasunog yang tenga mo? Rap - Kase namamalantsa ako nang magring ang cell phone ko. Aksidenteng yung plantsa ang napick-up ko. Doc - Eh, bat nasunog pati kabilang tenga mo? Rap - Bwisit na Rex yan, tumawag ba naman uli!
Rap - Oy, bat nagkagulo sa bahay ni Joey kanina? Rex - Kase nakahuli si Joey ng one-foot long na alupihan. Rap - One-foot daw, sira! Meron bang alupihan na iisa ang paa?
Rap - Oy, pare, bat mukhang asar ka? Rex - Kase napanaginipan ko kagabi na nasa Miss Philippines contest ako
at pinaligiran ng mga seksing Pilipina.
Rap - Anung nakakaasar dun? Swerte ka nga at kasama mo'y mga seksing Pinay! Rex - Eh, kase ako ang nanalong Miss Philippines dun sa panaginip ko. Whaaa...
Rex - Oy, balita ko pabor ka na raw sa cha-cha ni GMA? Rap - Ok lang maski magbogie pa si Gloria!
Rex - Bat di mo pa kinakain yang hot dog mo? Rap - Dogging pa sa init. Rex - Dogging? Rap - Uma-aso pa!
Nagpunta sa bar ang grupo para mag-inuman. Rap - Lipat tayo sa ibang bar. Di tayo pwede rito! Rex - Bakit? Rap - Nakasulat dun sa bar, "21 and up only." Eh, aapat lang tayo.
Rex - Bat mo iniiyakan yang pakete ng corn chips? Rap - Kase nakasulat dito "tear here."