Ang mga sumusunod na pinoy jokes diumano ay tunay na nangyari. Ang mga pangalan at lugar ay aming binago upang ilayo sa kahihiyan ang mga nasasangkot dahil sa kanilang kapalpakan.
Under-age Isang holdaper ng liquor store ang agad ding nahuli ng pulis. Ayon sa report, aalis na sana ang holdaper matapos limasin ang pera sa cash register nang humingi eto ng isang bote ng brandy na nakadisplay sa counter. Sinabi ng tindera na illegal magbigay ng alak sa taong wala pang 23 anyos. Ipinakita naman ng lalaki ang kanyang ID upang patunayan na 25 anyos na siya. Nakilala ng tindera ang holdaper at agad nagsumbong sa pulis.
Speeding Nagpull-over si John nang patabihin ng highway patrol. Binigyan siya ng "fix-it" tiket dahil sa sira ang isang brake light ng kanyang kotse. Paalis na sana si John nang dumaldal pa: "Whew, sirang brake light lang pala. Akala ko napansin ninyong lasing ako!" Tuloy, inaresto si John for drunk driving.
Candid shot Nagshop-lifting ang magbarkadang Andrew at Mike ng mga digital camera sa isang department store. Nahuli at nakulong ang dalawa. Ang ibidensya? Nang paalis na sila ay pinaglaruan nila ang display camera at nagkuhanan ng litrato sa pag-aakalang prop lang ang camera. Nang mag-imbistiga ang mga pulis ay nakita sa digital camera ang litrato nila na bitbit ang mga ninakaw.