Mga balitang kutsero at patawang barbero ng Katig.Com
Headless body na-identify sa dental records. Nakilala na ang isang headless body sa pamamagitan ng kanyang dental records ilang araw matapos na matagpuan din ang kanyang ulo malapit lang sa pinagtapunan ng kanyang katawan.
Bata, kinagat ng langgam, patay! Namatay na ang batang naaksidente matapos kagatin ng langgam. Ayon sa pulisya tumatawid sa kalye ang bata nang kagatin ng langgam sa paa. Yumuko ang bata para tirisin ang langgam kaya hindi niya napansin ang dumarating na taxi na nakabundol sa kanya.
Kahilingan ng garbage collectors ibinasura. Nagpaplanong mag-aklas ang mga garbage collectors matapos ibasura ng kumpanyang pinapasukan ang kanilang kahilingan na taasan ang kanilang buwanang suweldo.
Rape victim humiling ng re-enactment. Humiling ang isang rape victim ng re-enactment sa ginawang pagtakas sa lalaking nang-rape sa kanya. Ginagawa ng babae ang kahilingan matapos ipagpilitan ng suspek na kusa niyang pinalaya ang biktima. Ayon sa biktima siya ay nakatakas nang makatulog ang suspek matapos ang ginawang pangrirape