Mga balitang barbero at patawang kutsero ng Katig.Com
Bulag, eyewitness sa pagpatay. Nahuli ang pinaghihinalaang salarin sa pagpatay nang siya ay itinuro ng isang witness sa krimen. Nakilala pa rin ang suspek maski bulag na ang isang mata ng witness.
Plane crash, walang nakaligtas, ayon sa piloto. Napaulat na walang nakaligtas sa mga sakay ng bumagsak na Cessna plane ayon sa piloto ng Medivac helicopter na agad sumugod sa pinangyarihan ng trahedya.
Bangko hinoldap ng teller. Isang savings bank sa Pampanga ang hinoldap ng isang babae. Madaling nakilala at nadakip ang holdaper dahil sa suot na bandana at dalang bolang crystal. Nalaman na ang suspect ay isang fortune-teller.
Kakulangan ng tubig isinisi sa baha. Maraming tao sa Manila ang nagkasakit ng diarrea dahil sa pag-inum ng maruming tubig. Nagkarun ng kakulangan ng malinis na tubig dahil sa mga pagbaha na naging dahilan para macontaminate ang water supply.
Lalaki bumunggo sa bus, naospital. Naospital si Rex matapos bungguin ang bus na sasakyan sana. Hinahabol ni Rex ang bus nang biglang huminto ang sasakyan dahil may tumawid sa kalye. Hindi napansin ni Rex ang paghinto ng bus dahil nakalingon siya sa isang babae. Sumalpok si Rex sa bus.