Palaisipan 3 - Mga Palaisipang Tagalog by Katig.Com
1.  Nagkita si Romy at ang dating barkada sa SM Mega Mall.

"Oy, tagal na tayong di nagkita!" bati ni Romy.
"Oo nga! May asawa na ako ngayon. Sayang at di ko siya kasama para
nakilala mo sana. Meron na kaming anak, heto siya kasama ko," sagot ng
barkada ni Romy.
"Anung name mo?" tanong ni Romy sa kasamang bata ng barkada.
"Pareho po kami ng mommy ko," sagot ng bata.
"Ah, ikaw si Joy?" tanong ni Romy.
"Opo," sagot ng bata.

Paano nahulaan ni Romy na Joy ang pangalan ng bata?


2.  Napadaan si Ramon sa isang tulay na kawayan. Dahil luma at marupok
na, 100 kilos lang ang kaya ng tulay. Alam ni Ramon na 90 kilos ang
kanyang bigat, meron siyang backpack na 8 kilos, at dalawang melon na 2
kilos ang bigat bawat isa, kaya lahat-lahat ay102 kilos ang bigat.
Nagaalala siya baka bumagsak ang tulay sa kanyang bigat. Ayaw niyang
iwanan ang isang melon at sayang naman. Ayaw niyang ipukol ang isang
melon sa kabila ng ilog at madudurog lang ito.

May naisip siyang paraan para makatawid sa tulay na dala ang kanyang
backpack at dalawang melon. Ano ang naisip niyang paraan?


3.  Nagpunta si Igme sa isang napakaliit na disyertong isla na malapit sa
Boracay upang ayusin ang sirang ilaw sa lighthouse. Tatlong tao lang ang
nakatira sa isla. Ang isa ay laging nagsasabi ng totoo, ang pangalawa ay
laging nagsisinungaling, at ang pangatlo ay maaring nagsasabi ng totoo o
nagsisinungaling. Ilang tao ang dapat pagtanungan ni Igme ng direksyon
upang matiyak kung saan naroon ang lighthouse?


4.  Mike wants to board a ship that is anchored at sea by climbing up a
ladder that hangs at its side. He  rows his small boat to the ship but to
his dismay the bottom of the ladder is 2 feet above his reach. He cannot
jump up because the small boat will capsize. Not to give up, he figures
that the tide is rising by 1 foot per hour and as the tide rises so is his
boat and soon he would be able to grab the ladder. How long would
Mike have to wait at sea before the ladder is within his reach?


5.  Nagkacamping ang apat na magbarkada sa tabing ilog nang mamataan
nila ng isang leon na papalapit sa kanila. Pagtawid sa ilog ang tanging
paraan para matakasan ang leon nguni't walang marunong lumangoy sa
kanila. May maliit na balsang kawayan na puwede nilang gamitin sa
pagtawid sa ilog. "Tatlo lamang ang puwedeng sumakay sa balsa kung hindi
ay tataob ito sa bigat," sabi ng Rey. "Ayaw kong magpaiwan", magkasabay
na sabi ni Josh at Eric. "May naisip akong paraan kung paano tayo
makatatawid sa ilog ng sabay-sabay," sabi naman ni Edwin. Ano ang naisip
na paraan ni Edwin?


Go to:  
Palaisipan 1
Palaisipan 2
Palaisipan 4


To submit a palaisipang Tagalog or Filipino puzzle please email us
admin@katig.com.
KATIG.COM
Google
 





Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather





Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes