Palaisipan 4 - Brain twisters and Mental Exercises by Katig.Com
Ang mga sumusunod na palaisipang pinoy ay mas mahirap keysa sa
mga naunang Flipino riddles o palaisipang tagalog. Subukan kung
masasagot ang mga sumusunod na katanungan:



1.  The boy's weight is 10 kilos plus half his weight. How many kilos is
the boy's weight?


2.  Namamasyal ang 3 magkakaibigan nang inabot sila ng gutom sa daan.
"
Kain muna tayo, meron akong dalang 7 tinapay," sabi ni Greg. "Tamang-
tama meron din akong dalang 5 tinapay, Pagsama-samahin natin at ating
pagsaluhan
," sagot ni Mart. "Naku, wala akong dalang tinapay pero, sige,
babayaran ko na lang kayo sa parte ko
," sabi naman ni Raul. Pagkatapos
kumain ng tig-apat na tinapay ay naglabas ng P12.00 si Raul at ibinigay
sa dalawang kaibigan. "
Heto, ang bayad ko, partehin ninyo ayon sa kinain
nating tinapay
," sabi ni Raul. "Akin na ang 7 pesos dahil 7 ang dala kong
tinapay at iyo na ang 5 pesos dahil 5 ang dala mong tinapay
," sabi ni
Greg kay Mart.

Ipagpalagay na pare-pareho ang 12 tinapay, Ano ang tamang partehan sa
P12.00 ang dapat nilang gawin?


3.  Kumuha ka ng 6 na toothpick (pwede rin ang 6 na palito ng posporo o
anumang patpat na pare-pareho ang haba.) Kunin ang 3 toothpick at
pagdugtungin ang mga dulo nito para bumuo ng hugis ng isang triangulo.

Ang palaisipan: kunin ang natitirang 3 toothpick at bumuo pa ng 3
triangulo. Sa madaling sabi, bumuo ng 4 na triangulo na pare-pareho ang
sukat na gagamitin lang ang 6 na toothpick.


4.  Si Ernie ay mahilig mag-alaga ng mga hayop. Mayroon siyang tatlong
paboritong alaga - isang pusa, isang aso at isang maliit na kambing.
Tuwing kasama ang tatlong alaga ay mababait at magkakasundo ang mga
eto subali't kapag iniiwan niya, ay nag-aawayan - kinakagat ng aso ang
pusa, at sinusuwag naman ng kambing ang aso. Pero hindi nag-aaway ang
pusa at ang kambing.

Minsan sa kanilang pamamasyal sa bukid ay napadaan sila sa isang
makitid na tulay kawayan na hindi kayang tawirin ng kanyang mga alaga.
Kailangan ni Ernie na buhatin at itawid paisa-isa ang kanyang mga
alagang hayop.

Paano ang gagawing pagtatawid ni Ernie sa kanyang mga alaga ng paisa-
isa para hindi mag-away ang dalawang naiiwanan habang itinatawid niya
ang isa sa kanila?

Halimbawa, kapag unang itinawid ni Ernie ang pusa at naiwanan ang aso
at kambing ay susuwagin ng kambing ang aso.

Kung uunahin namang itawid ang aso ay hindi mag-aaway ang naiwanang
kambing at pusa. Pero alinman ang kanyang isunod na itawid at magiging
kasama ng aso ay tiyak na mag-aaway kapag iniwanan niya upang kunin
ang pangatlo sa kanyang mga alaga.

(Eto ay hindi isang trick question kaya huwag isipin na itatali,
ikukulong, o pahahawakan sa iba ang mga hayop. Tinatalakay lamang sa
tanong na eto ang sequence kung papaano itatawid ni Ernie ang kanyang
mga alaga ng paisa-isa.)


5.  An avid baseball fan, Mike bought a 5-foot long baseball bat to add
to his collection of sports paraphernalia. On this way back from the
store he was to take the bus but no driver would allow him to bring the
bat with him on board. He was told that there is a new city ordinance
that forbids bringing into the bus any object longer than 4 feet for
safety reason. After mulling over his predicament, he thought of a
solution: he put his bat in a special box and sure enough the next bus
driver let him take the box with him on his trip back home. What is so
special about the box? (Hint: it is all about dimensions.)


6. A Filipino and an American were waiting by the elevator on the 2nd
floor of a multi-storey building. When the elevator door opened a
woman stepped out and, recognizing that she is a Filipina, the Filipino
started a brief conversation with her. Afterwards she went on her way
and both the Filipino and the American entered the elevator. Once
inside the American remarked to the Filipino: "
You have a very unique
language. I don't understand what she and you talked about but I never
heard anybody made conversation by just saying one syllable again, and
again
."

What did the Filipino and Filipina say to each other?


Go to:
Palaisipan 1
Palaisipan 2
Palaisipan 3


To contribute some palaisipan or Filipino puzzles to our Brain Twisters
and Mental Exercises section please email us at
admin@katig.com.
KATIG.COM
Google
 





Sections

Charities
Colleges
Dictionary
Education
Government
History
Philippine News
Phone Directory
Schools
Travel
Universities
Weather





Filipino Corner

Alamat
Balita
Bugtong
Idioms
Kasabihan
Kawikaan
Pabula
Palaisipan
Pinoy Jokes