Nagkita sa Mall of Asia si Josh at ang dating classmate sa Mapua.
"Oy, ang tagal nating di nagkita, magmula pa nung graduation natin sa college," bati ni Josh sa dating classmate.
"Oo nga noh! Nag-asawa na ako pag-graduate natin. Sana nakilala mo siya kung sumama ngayon. Pero nagpaiwan siya at nagluluto ng dinner sa bahay. Heto, kasama ko ang anak namin," sagot ng barkada ni Josh.
"Anong name mo?" tanong ni Josh sa batang babae.
"Pareho po kami ng name ng Mommy ko," sagot ng bata.
"Anong age mo na, Lyn?" tanong ni Josh.
"Ha, bakit po ninyo alam ang name ko?" tanong naman ng bata.