Mga sagot sa ating Palaisipang Pinoy, o Pilipino puzzles:
1. Sagot: (c) 20 - Ang kendi ay 0.50 bawat isa kaya ang P10.00 ay
makakabili ng 20 kendi.
2. Sagot: (b) Siyam na putol lang. Sa pagsiyam at huling putol ay 2
ang madadagdag - ang pangsiyam at pangsampung piraso.
3. Sagot: (b) yelo - Mas magaan ang yelo kaya laging nakalutang
ang yelo sa tubig.
4. Sagot: (c) 12 - Lahat ng buwan sa isang taon ay may 28th na araw.
5. Sagot: (a) wala - Dahil magkakasama lang sa isang maliit na sanga,
nabulabog at nagliparan ang mga ibon kaya walang naiwan sa sanga.
6. Sagot: (b) sa Australia - Ang isang galon sa Australia ay mas malaki
ng 20% kaysa isang galon sa Pilipinas. Sa Pilipinas ay ginagamit ang sukat na US gallon at sa Australia naman ay ginagamit ang sukat na imperial gallon. Kaya ang isang galon ng tubig sa Australia ay mas mabigat kaysa sa isang galon ng tubig sa Pilipinas sa dahilang magkaiba ang laki ng galon na ginagamit.